Program: Metro Central Luzon Ngayon
Posted by: Alexis Requerman on 2017-09-11
Hindi raw nagkulang ang alkalde ng Apalit na si Mayor Pedro Nucom sa pagbibigay ng impormasyon kaugnay ng pansamantalang pagbabawal sa sabong. Malinaw umano ang direktiba ng Department of Agriculture at ni Gov. Lilia Pineda sa bagay na ito. Subalit, sinuway ng ilang sabungero at operator ng Apalit Cockpit Arena ang nasabing kautusan.