Program: Metro Central Luzon Ngayon
Posted by: Alexis Requerman on 2017-10-16
September 29, 2017 - Maliwanag sa naging resulta ng laboratoryo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR at DENR-EMB, na nawalan ng hangin ang tubig sa #PampangaRiver dahil sa tumagas na molasses mula sa Far East Alcohol Corporation o FEACO. Pero hindi tanggap ng kumpanya na sila ang dahilan kaya namatay ang mga isda sa bahagi ng #Masantol at #Macabebe, #Pampanga.