Program: Metro Central Luzon Ngayon
Posted by: Alexis Requerman on 2017-09-12
September 11, 2017 - Kalahating metro ang taas ng tambak sa tatlong pangunahing kalsada sa bayan ng San Luis, sa lalawigan ng #Pampanga. Ngunit matapos ang malakas na ulan nitong ika-sampu ng Setyembre, mala delubyong putik ang tumambad sa mga residente kaya naman ilan sa mga estudyante hindi na makapasok sa eskwelahan at mga motorista hindi na makadaan.