Program: Metro Central Luzon Ngayon
Posted by: Alexis Requerman on 2017-09-11
September 05, 2017 - Wala pa ring malay si Noemi Lyn Buan, bente tres anyos na medtech personnel ng Jose B. Lingad Regional Memorial Hospital matapos itong ma-hit and run nitong unang araw ng Setyembre. Ang driver ng puting trak na nakabundol sa dalaga, hindi pa rin natutukoy kaya ang mga kaanak niya patuloy ang hinagpis at paghingi ng hustisya.