Program: Metro Central Luzon Ngayon
Posted by: Alexis Requerman on 2017-09-11
August 30, 2017 - Apat na ospital ang pinagdalhan sa 20 anyos na si Danica Rose Salangad bago siya binawian ng buhay. Dalawa sa ospital na kaniyang pinuntahan, tumangging i-admit ang biktima habang nag-aagaw buhay. Ang duda ng pamilya, namatay ang kanilang mahal sa buhay dahil sa umano\'y maling diagnosis kahit na na-confine ng limang araw sa San Fernandino Hospital.