Program: Metro Central Luzon Ngayon
Posted by: Alexis Requerman on 2017-09-11
August 29, 2017 - Lusot na sa kumite ang House Bill 6152 na nag-cocompress sa working days ng mga empleyado na maging apat o limang araw na lamang kaysa normal na lima hanggang anim na araw ang pasok sa trabaho. Samakatuwid, magiging higit walong oras kada araw ang trabaho ng bawat empleyado, bagay na umani ng samot-saring reaksyon. Isa na riyan ang saloobin ng mga negosyante.