August 29, 2017 - Muling naging \"mapagbanta\" si PNP Chief Ronald \"Bato\" dela Rosa at incoming PDEA Chief Dir. General Aaron Aquino sa mga namumurong narco politician na kinabibilangan umano ng limang alkalde, dalawang congressman, at isang vice governor sa Central Luzon. Ayon sa dalawang opisyal, may kalalagyan ang mga pasaway na pulitikong involved sa iligal na droga sakaling magpositibo ang mga iyun sa kanilang validation.