Program: Metro Central Luzon Ngayon
Posted by: Alexis Requerman on 2017-09-11
Binuo ng Police Regional Office 3 ang isang special investigation task group o SITG-Baquing para imbestigahan ang nangyaring pamamaril sa mag-amang Baquing sa #Concepcion, #Tarlac, at kaugnayan sa kaso ng online shopping delivery personnel na sina Hernan Galang at Bernard Nucup na diumano\'y napagkamalan lang. Ayon kay Police Chief Superintendent Aaron Aquino, dalawang linggo lang ay kaya ng magrekomenda ng task group na magbibigay linaw sa kaso.