Program: Metro Central Luzon Ngayon
Posted by: Alexis Requerman on 2017-10-16
September 28, 2017 - Sa apat na pahinang resolusyon noong ika-apat ng Setyembre ay pinagtibay ng pitong miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Antonio na alisin sa tungkulin si Konsehal Renan Ponce Morales. Ang pagpapataw ng expulsion kay Morales ay batay umano sa Section 2, Rule 11 ng SB Internal Rules kung saan ay maaaring patawan ng suspensyon o expulsion ang apat na pagliban ng walang abiso. Pero ano ba ang pagdaraanang proseso at ano ang estado ng kasong administratibong inihain laban kay Konsehal Morales?