Program: Metro Central Luzon Ngayon
Posted by: Alexis Requerman on 2017-09-26
September 21, 2017 - Tone-toneladang isda ang lumutang sa #PampangaRiver sa bahagi ng ilog ng #Masantol, #Macabebe, at #Apalit sa #Pampanga. Isinisisi ng mga residente sa pabrika ng alkohol na nagtatapon ng chemical waste sa Pampanga River ang fish kill. Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Apalit ang alcohol fermentation plant kasunod ng pagsusuri sa mga nalasong isda at lason sa tubig.