Program: Metro Central Luzon Ngayon
Posted by: Alexis Requerman on 2017-09-26
September 20, 2017 - Tatlumpo\'t anim na piling kabataan ang maaaring makapag-aral ng libreng pastry course na hatid ng La Rose Noire Foundation katuwang ang CLTV36 Lingap Foundation Incorporated. Layunin ng programa na baguhin ang buhay ng mga pursigidong kabataan na pilit iniaahon ang buhay sa laylayan.