Program: Metro Central Luzon Ngayon
Posted by: Alexis Requerman on 2017-09-26
September 20, 2017 - Lumabas sa pag-aaral ng isang non-government organization na kung patuloy na aabusuhin ang imbak na tubig sa ilalim ng lupa o groundwater ay maaaring wala nang magamit ang mga Pilipino matapos ang limampung taon. Tubig ulan at wastewater naman ang nakikitang alternatibong solusyon ng nasabing water organization kung sakaling mangyari ito.