Program: Metro Central Luzon Ngayon
Posted by: Alexis Requerman on 2017-09-26
September 20, 2017 - Nagkaroon ng engkwentro ang 84th Infantry Division at labing limang miyembro ng New People\'s Army na pinamumunuan ng isang Joel Manangan o alyas Rasul sa Sitio Barat, Brgy. Burgos, Carranglan, #Nueva Ecija. Higit dalawang oras ang itinagal ng engkwentro kung saan siyam ang nasawi mula sa kampo ng mga rebelde habang isa naman ang sundalong sugatan.