Program: Metro Central Luzon Ngayon
Posted by: Alexis Requerman on 2017-09-11
Halos pitumpong milyon ang ipinangakong ayuda ng Kagawaran ng Agrikultura para mabayaran ang animnaraang libong manok na papatayin bunsod ng avian influenza outbreak sa San Luis, #Pampanga. Tiniyak ng ahensya na sa loob ng isang buwan ay mababayaran ang mga apektadong poultry grower.